Mahigit isang milyong lagda na ang nakakalap ng mga supporter ng dating Pangulong Ferdinand Marcos para tuluyan itong maihimlay sa libingan ng mga bayani
Dinala ng grupo sa Korte Suprema ang isang milyon isandaan limamput walong libo anim na raan at anim na lagda na nakuha sa pamamagitan ng www.change.org simula nuong September 6
Kasunod ito ng ikalawang pagdinig hinggil sa kino kontrang paglilibing sa dating Pangulo sa libingan ng mga bayani
Binigyang diin ng Sirib Ilokano Kabataan Association na ang mahigit isang milyong lagda ay patunay lamang ng matinding suporta ng publiko sa pag endorso ng Pangulong Rodrigo Duterte na maihimlay sa libingan ng mga bayani ang dating Pangulo
Iginiit ng grupo na dapat mabigyan ng nasabing pribilehiyo ang dating Pangulo bilang isang dating pangulo ng bansa, dating defense secretary at isang dating sundalo batay na rin sa AFP regulations
By: Judith Larino