Mahigit isang milyong National ID cards na ang naipapamahagi ng gobyerno.
Ipinabatid ni PSA assistant secretary Rosalinda Bautista na hanggang nitong Setyembre 10 ay nasa 1.7M na ang naiisyuhan ng ID cards samantalang 42M Pinoys na ang nagparehistro para makakuha ng nasabing ID.
Sinabi ni Bautista na ang sinumang nag-apply ng National ID ay mabibigyan ng pagkakataong makapagbukas ng bank account sa Landbank of the Philippines.
Target ng gobyerno na makapagparehistro ang 50M Pinoy sa National ID program hanggang sa katapusan ng taong ito.