Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir/Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang kanyang mga tauhan na makapagpasuko ng 1.8 milyong drug personalities sa loob ng anim na buwan.
Sa kanyang talumpati sa harap ng Eastern Visayas Police Regional Office sa Leyte, sinabi ng PNP Chief na kulang pa ang kasalukuyang tala ng mga nagsisukong drug personalities kasunod ng kanilang kampanya kontra droga.
Batay sa tala ng PNP, aabot sa mahigit 712,000 drug personalities sa bansa ang nagsisuko sa ilalim ng Oplan Tokhang.
Samantala, aabot naman sa mahigit 1,500 drug personalities ang napapatay habang nasa mahigit 16,000 naman ang naaaresto.
Hindi pa kasama rito ang mahigit 2,000 drug personalties na napapatay ng mga hindi pa natutukoy na salarin na tinawag nilang death under investigation.
By Jaymark Dagala