Tumanggap ng higit 2.3 million dollars na halaga ng equipment grants mula Sa Estados Unidos ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa AFP, Mayo a-dos nang matanggap nila ang iba’t ibang defense equipment sa Haribon Terminal, Clark Air Base sa pampanga lulan ng US KC-10A aircraft.
Nabatid na napunta sa Philippine Army ang Tactical Network Rover at iba pang support equipment, habang natanggap naman ng Philippine Navy ang iba’t ibang weapon support equipment.
Samantala, ang mga kagamitan ay ibinigay sa ilalim ng mga programa, na bahagi ng patuloy na pag-asiste ng US government sa AFP para sa capability upgrade program nito.