Umabot sa mahigit 2.5 million na indibidwal ang nanood sa unang 48 laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar.
Tinatayang mas mataas ang bilang ng mga dumalo ngayon kaysa noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia.
Samantala, sinabi ng FIFA na pinakamarami ang nanood sa laban ng Argentina at Mexico na ginanap sa Lusail Stadium kung saan 88,966 ang nakibahagi. - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan.