Mahigit 2.9-M na pasahero ang inaasahang darating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa higit 40 airports sa buong bansa, ilang araw bago ang pasko at bagong taon.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, kasunod ito ng desisyon ng pamahalaan na alisin ang travel restrictions bilang bahagi ng muling pagbuhay sa turismo ng Pilipinas mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Kaugnay nito, isinailalim na sa highest alert ang 44 commercial operating airports upang masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero.
Sa datos ng CAAP, kabuuang 29,258,258 pasahero ang naitala mula January hanggang December 2019, o bago magpatupad ng lockdown bunsod ng COVID-19.