Karagdagang 2.6-M pang astrazeneca COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa, kahapon.
Dakong umaga nang unang dumating sa Ninoy Aquino International Airport ang nasa 1,065, 600 doses ng bakunang donasyon ng Japan.
Pasado alas kwatro naman ng hapon nang lumapag ang eroplanong kargado ng mahigit 1.5-M doses ng astrazeneca mula sa CoVax facility.
Donasyon naman ito ng United Nations Children’s Fund at United States.
Sinalubong ito National Task Force Against COVID-19 Adviser, Dr. Ted Herbosa na nagpasalamat naman sa U.S., UNICEF at Japan. —sa panulat ni Drew Nacino