Wala pa ring kuryente ang mahigit dalawang milyong residente sa Visayas at Mindanao halos dalawang linggo matapos ang hagupit ng bagyong Odette.
Ayon sa Department of Energy (DOE), sinubukang gamitin ang Diesel powered plant sa Bohol noong December 23 pero pumalya ito.
Gayunman, sinabi ni DOE Undersecretary Wimpy Fuentebella na inaasahang maaayos na ito at muli aniya nila itong susubukan sa December 31.
Nangako naman ang Visayan electric company na ibabalik ang 80% ng suplay sa buong franchise area sa January 10, 2022.
At ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 85% na ng nasirang transmission line ang nakumpuni.
Ngunit kahit matapos nila ang pag-aayos bago matapos ang 2021 ay problema pa rin ang koneksiyon dahil maraming poste ang natumba.