Pumalo na sa dalawang milyong indibidwal ang fully vaccinated sa lungsod ng Quezon laban sa COVID-19.
Batay sa ulat ng lokal na pamahalaan, kabuuan itong 2,337,126.
Sa bilang na ito, 2,237,324 ang nabakunahan ng unang dose, habang 283,239 ang nakatanggap ng booster shot.
Umabot naman sa kabuuang 5,379,889 bakuna ang naiturok sa lungsod. —sa panulat ni Abby Malanday