Dagsa na ang aabot sa humigit kumulang dalawa’t kalahating milyong mga Muslim sa Mt. Arafat sa Saudi Arabia para sa taunang Hajj kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Hindi alintana ng mga peregrino o pilgrims ang mainit na panahon gayundin ang tensyon sa rehiyon para makibahagi ang mga ito sa isang vigil sa atonement.
Suot ang kulay puting roba, nagpalipas na ng gabi ang mga pilgrims sa palibot ng Mt. Arafat kung saan doon sinubukan ni Allah si Ibrahim nang isakripisyo nito bilang alay ang kaniyang anak na si Ishmael.
Samantala, may ilang Hajj Pilgrims na rin mula sa mina ang nagsimulang maglakad patungo sa naturang burol habang ang iba naman ay sakay ng mga bus dala ang kanilang pagsasaluhang pagkain.
Matapos ang Pilgrimage sa Mt. Arafat, sunod namang pupuntahan ng mga Muslim ang Muzdalifa sa paglubog ng araw upang kumuha ng mga maliliit na bato na siya namang itatapon sa mga haliging gawa sa bato na sumisimbulo sa demonyo sa Jaramat.