Nagpulong ang may 23 bansa sa Geneva upang gumawa ng mga hakbang kontra Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Layon din nitong wakasan na ang 5 taon nang civil war sa Syria na kumitil na sa buhay ng may 250,000 katao at naging dahilan ng paglikas ng may 10 milyon katao.
Tututukan din ng binuong global coalition ang mga pagkilos upang pigilan ang ISIS sa pamamayagpag nito sa bansang Libya.
Ipinabatid naman ng Pentagon na aabot sa 7 bilyong dolyar ang ilalaang pondo ng Estados Unidos para sa paglaban nito sa ISIS.
By Ralph Obina