Patay ang 24 katao habang aabot sa 54 ang sugatan matapos masunog ang isang pagawaan ng fireworks sa Tultepec, Mexico.
Apat sa nasawi ay mga bumbero, pulis at civil defense worker na unang rumesponde sa insidente.
Batay sa imbestigasyon, posibleng nagpalala sa insidente na nasundan ng tatlo pang pagsabog ang pagkakabasa sa mga fireworks habang tinatangkang apulain ang nangyayaring sunog.
Nabatid na kilala ang Tultepec bilang pangunahing pagawan ng mga fireworks sa Mexico at madalas na ring magkaroon ng aksidente.