Lumawak pa sa 23, 438 ektarya ng agricultural areas sa ilang rehiyon sa bansa ang sinalanta ni bagyong Odette.
Huling napabilang sa talaan ng Department of Agriculture ang mga agricultural areas sa Zamboanga Peninsula Central Mindanao, Davao at CARAGA Region.
Abot na sa kabuuang 20,319 metric tons ng produksyon ang nasira at lugi sa mga magsasaka kasama na ang mga nasa CALABARZON, Bicol, Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas .
Nasa 12,906 na ang bilang ng mga magsasaka at mangingisda ang nawalan ng kabuhayan dahil sa kalamidad.
Base sa ulat ,lumobo na sa Php 362.3M ang pinsala sa agrikultura at pangisdaan. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)