Tinatayang nasa dalawang milyong manggagawa ang posibleng hindi makatanggap ng kanilang 13th month pay ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) President Sergio Ortiz – Luis kasunod ng pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na payagan ang mga employer na huwag munang bigyan ng 13th month pay ang kanilang mga emplyado.
Ayon kay Ortiz – Luis, marami sa mga small at medium scale enterprises ang lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Batay sa datos ng DOLE, aabot sa mahigit 13,120 kumpaniya sa bansa ang permanente nang nagsara.
Habang nasa mahigit 116,000 iba pa ang pansamantala namang nagsara o di kaya’y nagpatupad ng flexible working arrangement.