Nakabayad na si US boxing champion Floyd Mayweather, Jr. sa utang niyang 22 million US dollars o katumbas ng 1.1 billion pesos sa IRS o Internal Revenue Service.
Ang nasabing utang ay nag ugat sa hindi nabayarang buwis sa laban kay Fighting Senator Manny Pacquiao noong Oktubre 2016.
Ayon sa kampo ni Floyd Jr., ang ipinambayad nila ay nagmula sa 300 million dollars na panalo ni Mayweather laban kay UFC Star Conor McGregor.
Una nang inalmahan ni Mayweather ang paniningil sa kaniya ng IRS na nagtulak sa kanyang magsampa ng kaso dahil sa paniningil sa kanya sa hindi makatarungang halaga ng buwis.