Isang lalaki ang arestado matapos mahulihan ng apat na kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng 21.2 Million Pesos sa Infanta, Quezon.
Kinilala ni Quezon Provincial Police Director, Senior Supt. Osmundo de Guzman ang suspek na si Aldrin Taharan, 48 anyos.
Ayon kay De Guzman, nasakote si taharan sa isang buy-bust operation ng Special Operations Unit and Drug Enforcement Unit of Police Regional Office 4 sa Barangay Dinahican.
Ang nabanggit na droga ay bahagi ng abandonadong bulto ng cocaine na narekober ng mga mangingisda sa Lamon Bay noong Abril.