Mahigit 20 opisyal at gwardiya sa isang bilangguan sa Mexico ang inaresto dahil sa natuklasang patay na sanggol sa isang basurahan nito.
Ayon sa imbestigasyon, ipinanganak na may congenital problem ang tatlong buwang sanggol na namatay dahil sa generalized infection noong January 6 at inilibing sa Mexico City.
Samantala, patuloy na iniimbestigan ng otoridad kung ano ang motibo at paano nailipat ang nasabing labi ng sanggol sa kulungan. —sa panulat ni Airiam Sancho