Patay ang nasa 25 katao habang 50 ang sugatan makaraang sumiklab ang malaking sunog bunsod ng pagkakabangga ng isang tren sa Cairo, Egypt.
Ayon sa mga awtoridad, bumangga ang tren sa isang buffer stop malapit sa platform ng Ramses Station, pangunahing railway station sa Cairo, dahilan para sumabog ang fuel tank nito.
Hindi pa malinaw kung ano ang naging dahilan ng pagkakabangga ng tren ngunit makaraan ang ilang oras nang mangyari ang insidente ay nagbitiw sa pwesto si Transport Minister Hisham Arafat.
Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay ang prime minister ng Egypt na si Mostafa Kamal Madbouly sa pamilya ng mga biktima at nangakong pananagutin kung sinuman ang mapatutunayang may sala sa nangyari.
—-