Mahigit dalawampu (20) na ang patay sa serye ng pag-atake ng mga terorista sa magkakahiwalay na lugar sa Afghanistan, isang linggo bago ang pagbista ng high-level delegation ng North Atlantic Treaty Organization o NATO sa bansa.
Kinumpirma ng Afghan Interior Ministry na pawang miyembro ng Taliban ang naglunsad ng pag-atake gaya ng suicide bombing sa Kabul at pamamaril sa Helmand Province kung saan karamihan sa mga nasawi ay sundalo.
Bibisita ang mga delegado para sa serye ng diplomatic meeting na layuning maglatag ng peace negotiation para sa Taliban.
Samantala, pinaghahandaan din ng mga awtoridad ang posible pang pag-atake ng Islamic State sa mga susunod na araw.
—-