Mahigit 20 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga bagong napromote at pormal na nanumpa para sa kanilang bagong posisyon.
Pinangunahan ni PNP Chief Pol. Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang oath-taking at donning of ranks sa Camp Crame, Quezon City.
Kabilang sa mga na-promote sina area Police Command – Southern Luzon Commander Rhoderick Armamento bilang Police Lieutenant General, National Police Training Institute Director Richie Posadas bilang Police Major General, Philippine National Police Academy Director Eric Noble bilang police Major General at Special Action Force Director Edgar Okubo bilang Police Major General.
Nabatid na umangat din ang ranggo ang 20 police brigadier general, kung saan isa sa kanila si Headquarters Support Service Director Mark Pespes na nakapatay umano sa miyembro ng Abu Sayyaf Group sa PNP custodial center noong Oktubre.
Samantala, pinuri naman ni General Azurin ang mga bagong promote na opisyal at iginiit na ang magandang pakikipag ugnayan ng ahensya ay patunay lamang na prayoridad ng mga pulis ang makapaglingkod sa bayan.