Nakapagtala ng mahigit 200 aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr., ang mga pagyanig ay may lakas na magnitude 1.6 hanggang magnitude 5.2.
Ipinaliwanag naman ni Solidum na umuga ang lupa sa Masbate matapos gumalaw ang parte nito na karugtong ng Philippine Fault Zone.
Ibinabala rin ng opisyal na dapat maghanda sa mas malakas pang pagyanig ang mga tao dahil walang pinipiling panahon ang lindol kahit pa sa gitna ng pandemya.