Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 224 na nahawa sa COVID-19 nitong Sabado.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, bumaba na sa 22, 150 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nangunguna sa nakapagtala ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo ang NCR na may 1,266, sinundan ng Region 4-A na may 502 at Region 3 na may 373.
Umabot naman sa 3, 600, 733 ang mga gumaling at 59, 964 ang mga namatay dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa 16% na lamang ang bed occupancy rate sa Pilipinas. — sa panulat ni Abby Malanday