Nakapagtala ang bansa ng 225 bagong kaso ng nakakahawang Omicron variant na BA.5, BA.4 at BA.2.12.1.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), 190 rito ay karagdagang kaso ng Omicron BA.5, 34 ang BA.4 at isang kaso ng BA.2.12.1.
Sa nasabing bilang, 175 rito ang nakarekober, 7 naman ang naka-isolate, habang 8 pa ang bineberipika.
Samantala, nakarekober na rin ang pasyenteng nagpositibo sa BA.2.12.1 na mula sa Davao Region.