Umaapaw na ang nakalaang ward para sa mga COVID-19 patients sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay Jonas Del Rosario, Spokesman ng PGH, nalampasan na nila ang 210 beds na nakalaan para sa COVID-19 patients.
Posible aniya na may mga pribadong ospital ang puno na rin ng COVID-19 dahil may mga private patients na ang nagtutungo sa PGH.
Sinabi ni Del Rosario na karamihan sa kanilang COVID-19 patients ay mga may edad na kung saan 40 anya ang nasa intensive care unit (ICU).