Mahigit dalawandaang container ng smuggled na paputok ang ipinuslit sa Pilipinas bago pa man ang holiday season.
Ayon kay Philippine Fireworks Association president Joeven Ong, batay aniya ito sa mga nakakausap niyang kaibigan mula sa China.
Ang Piccolo aniya na pangunahing sanhi ng mga disgrasya tuwing bagong taon ay mga kontrabando mula sa China at pinapalitan lamang ng label na “Made in the Philippines”.
Iginiit ni Ong na hindi galing sa industriya ng paputok sa Pilipinas ang kumakalat na mga ilegal na Piccolo kundi galing ito ng China.