Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit 200 mga iligal na manggagawang Tsino sa Corporate Center sa Ortigas, Pasig City.
Ayon sa ahensiya, nagpalabas ng mission order si Immigration Commissioner Jaime Morente para arestuhin ang apat na puganteng wanted sa China dahil sa pagkakasangkot sa investment scam.
Gayunman pagdating ng grupo sa lugar, kanilang naaktuhan ang 273 pang mga Chinese workers na iligal na nag-ooperate sa online game.
Dagdag ng Immigration, una silang nakatanggap ng impormasyon mula sa Chinese embassy kaugnay ng pambibiktima sa scam ng apat na puganteng Chinese sa libu-libong mga tao sa China na nagkakahalaga ng 100-M Chinese yuan.
Habang batay sa pagberepika ng BI sa Chinese authorities, lumabas na sangkot din ang mahigit 200 iba pang naarestong tsino sa large scale fraud at investment scam sa kanilang bansa.