Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation ang Lokal na Pamahalaan ng Baggao sa Cagayan dahil sa epekto ng Bagyong Maring.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDDRMC, 72 pamilya o katumbas ng 224 indibidwal ang inilikas na hanggang ngayong araw sa lugar na nasa ilalim ng signal no. 2.
Patuloy naman ang evacuation o paglilikas sa iba pang munisipalidad at nangangalap pa ng datos ang NDRRMC hinggil dito.
Samantala, wala nang suplay ng kuryente sa lahat ng barangay sa Sta Ana, Cagayan dahil sa sama ng panahon na dala ng bagyo.
Suspendido na rin ngayon ang mga klase mula sa Pre-school hanggang High School sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)