Tinatayang 200 kabahayan ang naabo sa baybayin ng Barangay 23-C, Davao City, kahapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, pasado ala 1:00 nang sumiklab ang sunog sa Purok 4, Isla Verde.
Naapula ang sunog makalipas ang mahigit isang oras habang inaalam na kung ano ang sanhi ng pagkalat nito at halaga ng mga natupok o naabong ari-arian.
19 na pamilya naman ang nawalan ng tirahan sa naganap na sunog sa Bacolod City, Negros Occidental.
Ayon kay Bacolod City Fire Marshall Chief Inspector Publio Plotena, 12 kabahayan ang naabo makaraang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag na bahay ng pamilya Dela Cruz.
Naapula naman ang sunog makalipas ang halos kahalating oras habang inaalam na ang sanhi ng pagkalat ng apoy at ang halaga ng mga napinsala o natupok na ari-arian.