Nasa 208 na ang naitalang namatay dahil sa Bagyong Odette.
Batay sa datos ng Philippine National Police o Pnp Command Center, nangunguna ang Central Visayas sa may pinakamaraming naitalang nasawi na indibidwal na nasa 129.
Ayon kay Pnp Spokesman P/Col. Roderick Alba, 41 ang nasawi sa Caraga, 24 sa Western Visayas, 7 sa Northern Mindanao, 6 sa Eastern Visayas at 1 sa Zamboanga Peninsula.
Ilan sa mga ito ay nalunod, nabagsakan ng puno at debris gayundin ang pagkakabaon sa gumuhong lupa.
Maliban sa mga nasawi, 52 ang naitala ng pnp na nawawala habang 239 na nasaktan dahil sa bagyo.