Mahigit sa 200 katao ang nananatili pa ring nasa mga evacuation center kasunod ng naging pananalasa ng bagyong Nona.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, halos 70 libong pamilya mula sa Central Luzon, MIMAROPA, CALABARZON at Eastern Visayas ang problemado pa rin sa epekto ng nagdaang bagyo.
Bukod dito, iniulat ng ahensya na sa kabuuan ay 35 na ang naitalang patay dahil sa bagyong Nona.
Habang 6 ang nawawala pa rin at 24 naman ang naitalang nasugatan.
By: Allan Francisco