Pumalo na sa mahigit 230 ang nasawi at hindi naman bababa sa 300 ang sugatan sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Mogadishu, Somalia noong Sabado.
Batay sa imbestigasyon isang truck ang sumabog malapit sa entrance ng isang hotel sa siyudad habang nasundan pa ng isa pang pagsabog sa Madina District.
Hindi pa rin natukoy kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog.
Bagaman ang lungsod ng Mogadishu ay madalas na target ng Al-Qaeda na iniuugnay sa grupong Al-Shabab na kumakalaban sa pamahalaan.
Ayon sa mga awtoridad, inaasahang tataas pa ang death toll lalo’t marami sa daan-daang sugatan ang nasa kritikal na kondisyon.
—-