Sumalang sa drug testing ang mahigit 200 personnel at teaching staff ng Department of Education o DepEd City Schools Division Office sa Zamboanga City.
Ayon kay Dr. Rosalio Conturno Jr., Education Supervisor, ang drug testing ay isinagawa alinsunod sa kautusan ng DepEd Central Office.
Hindi naman nakasalang sa test ang isang empleyado makaraang ma-ospital habang nasawi naman ang isa pang personnel.
Babala naman ni Dr. Felix Romy Triambulo, City Schools Division Officer-in-Charge, ang magpopositibo sa paggamit ng illegal drugs ay isasailalim sa confirmatory test at parurusahan naman ang sinumang mapatutunayang gumagamit ng droga.