Mahigit sa dalawandaang (200) lugar sa dalawang rehiyon ng Visayas ang lumubog sa baha matapos ang pananalasa doon ni tropical storm Urduja.
Una nang iniulat kagabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na umabot sa 232 areas sa Eastern at Western Visayas ang nakaranas ng matinding pagbaha.
Subalit sa pinakahuling pagtaya ng NDRRMC ngayong araw ng linggo, bumaba na ito sa 38 areas makaraang humupa na ang pagbaha sa ilang lugar doon.
Nakapagtala din ang NDRRMC ng labindalawang (21) landslides, mga pagguho ng lupa at pagtaob ng bangka na nagresulta sa pagkamatay ng ilang katao.
Sa kabuuan, pumalo sa tatlong katao ang nasawi, habang labingwalo (18) ang sugatan sa pananalasa ni Bagyong Urduja sa Visayas region.