Wala nang makapipigil pa kay Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez para umupo bilang speaker ng ika-17 Kongreso
Ito’y makaraang magpahayag ng suporta kay Alvarez para sa kaniyang speakership ang may 200 mambabatas mula sa mababang kapulungan
Isandaan mula sa nasabing bilang ay mga miyembro ng PDP Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte habang ang nalalabi ay bahagi naman ng itinatag na Coalition for Change ni Alvarez
Bagama’t bigo ang Liberal Party na makipag-koalisyon sa Administrasyon, umaasa pa rin si Alvarez na magkakaroon pa rin ng pagbabago at sasama pa rin sa kanila ang grupong pinangungunahan ni outgoing Speaker Sonny Belmonte
By: Jaymark Dagala