Aabot sa 7 pamilya o katumbas ng 30 indibidwal ang inilikas sa Eastern Visayas Region dahil sa masamang panahong dulot ng Bagyong Lannie.
Kasunod nito, iniulat din ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na aabot sa mahigit 200 pasahero ang istranded ngayon sa mga pantalan.
Batay sa datos ng NDRRMC, nasa 12 pantalan ngayon ang suspendido ang operasyon sa CALABARZON, MIMAROPA, Silangan at Kanlurang Visayas.
Maliban dito, may 130 rolling cargoes din at 3 barko ang hindi rin pinayagang makabiyahe dahil sa masungit na lagay ng panahon.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)