Umabot sa mahigit 2,000 passports na hindi pa naide-deliver ang naghihintay na lang na ma-pick-up sa ilang claiming sites sa buong bansa.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Usec. for Civilian Security and Consular Affairs Brigido Dulay, kabuuan pa itong 2,017 passports na nasa temporary off-site passport services o tops mula July 7, 2021 hanggang February 8.
Ang mga passport na ito ay ang bigong ipadala sa mga aplikante sa tatlong attempt dahil hindi sila ma-contact.
Para ma-verify na kasama ang inyong passport dito, magpadala ng email sa DFA na may subject na “unclaimed passport inquiry”. —sa panulat ni Abby Malanday