Mahigit 200 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya ng Bureau of Corrections.
Ayon sa BuCor, 128 rito ay mula sa New Bilibid Prison.
Sinundan naman ito ng Davao Prison and Penal Farm na may 47 habang 21 PDL ang mula sa Correctional Institute for Women.
Sa datos ng ahensya, 106 ang napalaya dahil sa parole, 104 ang nakapagsilbi ng maximum sentence with good conduct time allowance, habang 12 ang napawalang-sala.
Samantala, nilahukan ni Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang programa.