Aabot sa 272 residente ang naaresto sa Tondo, Manila dahil sa paglabag sa total lockdown na umiiral bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa ulat, karamihan sa mga lumabag ay mga lalaki kung saan nasa 241 habang nasa 16 naman ang babae.
25 rito ang mga menor de edad.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kinakailangan gawin ang mga paghihigpit na ito upag maiparating sa mga tao na seryoso ang ipinatutupad ang lockdown at hindi rin aniya biro ang kalabang sakit.
Samantala, sinabi ni isko na pinag-aaralan pa kung paiiralin din ba ang total lockdown sa iba pang bahagi ng Maynila lalo na sa mga may matataas na kaso ng paglabag sa quarantine.