Umabot na sa 216 na mga residente ang lumikas matapos maapektuhan ng pagputok ng Bulkang Bulusan na matatagpuan sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, karamihan sa mga lumikas ay mga residente ng Barangay Puting Sapa sa Munisipalidad ng Juban.
Sinabi ni Escudero na karamihan sa mga inilikas ay mga bata kung saan, sa evacuation area na nagsagawa ng face-to-face classes pero agad itong sinuspinde ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Kabilang sa mga paaralang ipinatigil sa klase ay ang Puting Sapa Elementary School, Sangkayon Elementary School at Añog Elementary School sa Juban.
Dagdag pa ni Escudero na maraming residente ang nais manatili sa lugar habang ang iba namang lumikas ay gusto nang makabalik upang makapagsimula na sa pagkukumpuni ng kanilang nasirang tirahan.
muli namang nanawagan sa mga residente ang mga otoridad na delikado ang ashfall na nagmula sa bulkan kaya mainam na manatili nalang muna sa loob ng bahay at huwag na munang lumabas kung hindi kinakailangan.