Pinayagan na ng Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH) at ng Local Government Unit (LGU) na mag In-person classes ang mahigit 200 paaralan sa lalawigan ng Zambales.
Ayon kay Asst. Schools Division Supt. Michelle Mejica, mayroon nang 238 o 76% na paaralan ang nagbukas muli sa lalawigan.
Plano ngayon ng pamahalaang lokal ng Zambles na mabuksan na ang lahat ng 313 schools simula sa susunod na linggo, Marso a-21. —sa panulat ni Angelica Doctolero