Aabot sa 216 na sundalo ang nag-donate ng dugo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Army.
Pinangunahan ni Philippine Army Vice Commander Major General Henrydoyaoen (do-ya-o-wen) ang bloodletting drive ng Philippine Army sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonofacio.
Kabuuang 97,200 CC ng dugo ang naibigay sa tulong ng Philippine Red Cross.
Ang malilikop na dugo ay dagdag sa supply ng bloodbank para sa COVID-19 pandemic, mga kaso ng dengue at vehicular accidents. —sa panulat ni Abby Malanday