Patay ang nasa 200 hayop gaya ng elepante at zebra sa Kenya matapos makaranas ng malawakang tagtuyot sa lugar.
Sinabi ni Tourism Minister Peninah Malonza na labis na naapektuhan ang wildlife animals sa labis na tag-tuyot na itinuturing pinaka-malala sa loob ng apat na dekada.
Tumaas pa ang nasabing bilang ng mga nasawing hayop dahil sa kawalan ng pagkain at tubig.
Mula noong Pebrero at Oktubre ay mayroong 205 elepante, 512 Gnus, 381 zebras, 12 giraffes at 51 buffalo ang namatay na. —sa panulat ni Hannah Oledan