Mahigit 2300 pamilya na sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao ang apektado ng baha matapos umapaw ang Butalo River bunsod ng malakas na ulan dulot ng Inter-Tropical Convergence Zone.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga apektado ang barangay Pagatin, Ganoy at Sambulawan.
Bagaman nalubog ang mga bahay, tumanggi namang lumikas ang residente dahil sa pagnanais nilang mabantayan ang kanilang mga ari-arian at alagang hayop.
Umaapela na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Datu Salibo sa NATIONAL GOVErnment para sa mga apektadong residente.
By: Drew Nacino