Nasa mahigit dalawanlibo dalawandaang (2,200) Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait ang nais nang umuwi sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa harap ng alok na repatriation ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bello, karamihan sa mga OFW na ito ay overstaying na sa Kuwait.
Kasabay nito, tiniyak ni Bello sa mga uuwing manggagawang Pinoy na tutulong ang gobyerno para hanapan ng bagong trabaho ang mga ito.
—-