Tinatayang 2400 military personnel na ang sinibak sa serbisyo at mahigit 130 media outlets ang ipinasara sa Turkey.
Ito’y bilang bahagi ng pinaigting na crackdown ng gobyerno matapos ang nabigong kudeta, noong Hulyo 15 at 16.
Apatnapu’t pitong (47) mamamahayag naman ang ikinulong dahil sa hinalang sangkot ang mga ito sa tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.
Dahil dito, nanawagan ang Committee to Protect Journalists sa Turkish Government na itigiil ang pagsikil pangha-harass sa mga journalist na isang uri ng paninikil sa kalayaan sa pamamahayag.
Sa kabuuan ay umabot na sa 13,000 katao ang kasalukuyang nakakulong kaugnay sa nabigong kudeta ng militar.
By Drew Nacino
Photo Credit: AFP/ Getty Images