Mahigit 245,000 illegal campaign materials sa buong bansa ang binaklas ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesman Col. Bernard Banac, aabot na sa 12,600 operasyon na ang kanilang isinagawa katuwang ang Commission on Elections (Comelec) nang magsimula ang campaign period noong Pebrero.
Pinaka-marami anyang binaklas na illegal campaign materials ay mula sa Bicol Region na nasa 36,800; Northern Mindanao, 31,000 at Central Luzon, 21,000.
Nanawagan naman si Banac ang mga supporter ng mga kandidato na tumalima sa kautusan ng Comelec hinggil sa tamang paglalagay ng mga campaign poster at material.