Umabot na sa mahigit 200,000 katao ang apektado ng wildfire sa Southern California, sa Estados Unidos.
Kabilang sa mga apektado ang Ventura, San Bernardino, Bel-Air Counties at San Fernando Valley, habang umabot na rin sa Los Angeles City ang sunog habang daan-daang kabahayan na ang nasusunog.
Suspendido na ang mga klase sa mahigit 260 paaralan sa Southern California.
Nagsilikas din ang libu-libong Filipino na naninirahan at nagtatrabaho sa mga nasabing lugar.
Samantala, patuloy na nakatutok ang Department of Foreign Affairs sa sitwasyon ng daan-daang libong Pinoy sa California.