Pumalo na sa kabuuang 200,107 ang bilang ng mga face masks ang naipamigay na sa lungsod ng Maynila.
Sa pahayag ni Fernan Bermejo, Hepe ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod, nakapagbigay din sila ng karagdagang 15,307 na mga face masks, kahapon, 16 ng Hulyo.
Target kasi ng PESO na makagawa ng kabuuang 1 milyong mga face masks para may maipamigay ang lungsod ng Maynila sa mga barangay nito, habang mga barangay officials na ang bahala sa pamamahagi ng mga ito sa kani-kanilang mga residente.
Nauna rito, sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Maynila na magsagawa ng pagtatahi ng face masks hindi lamang para masigurong mabigyan ang mga Manileño na panangga sa banta ng COVID-19, higit din na mabigyang trabaho ang mga mananahing nawalan ng mapagkakakitaan bunsod ng COVID-crisis.