Mahigit 200,000 mga customer ng Manila Water company sa Maynila, Mandaluyong at Makati City ang makararanas ng anim na oras na kawalan ng suplay ng tubig.
Ayon sa Manila Water, bunsod ito ng gagawing pagkukumpuni sa may tagas na linya ng tubig sa Panaderos Sta. Ana, Maynila.
Magsisimula ang water interruption alas-10 ng gabi ng August 25, Martes hanggang alas-4 ng umaga ng August 26, Miyerkules.
Pinag-iipon na ng tubig ang mga residente sa mahigit 90 barangay sa Maynila mula Barangay 763 hanggang 905.
Habang apektado rin ang ilang barangay sa Makati City tulad ng Poblacion, Valenzuela, Olympia, Carmona, Kasilawan, Tejeros, Singkamas at Sta. Cruz.
Gayundin sa Mabini – J. Rizal, Namayan at Vergara sa Mandaluyong City