Sumampa na sa 200,000 pasahero mula sa iba’t ibang pantalan sa bansa ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ilalim ng “Oplan balik-eskwela 2022” ng Department of Transportation (DOTr).
Batay sa datos ng PCG, nasa 135,252 ang kabuuang bilang ng outbound passengers habang nasa 125 thousand 883 naman ang inbound passenger noong nakarang linggo.
Umabot na rin sa 1,280 vessels ang ininspeksyon ng PCG sa mga pantalan.
Samantala, nakahanda na ang coast guard para sa muling pagbabalik ng face-to-face classes sa Agosto 22.